Thursday, June 15, 2023

DAM

                            

Ito ay matatagpuan sa sitio Sta. Ana na sakop ng barangay Libasan Nabunturan Davao de Oro. Sabi ng papa ko ginawa ito noong 1990 pa at hanggang ngayon nandidito pa at napapakinabangan ng mga mamayan. Ang Dam ay pinapalibutan ng mga magagandang bundok na nakadagdag sa kagandahan ng lugar , ang paligid ay napakaberde dahil sa mga tanim na punong kahoy at kahit ano pang halaman, at napakasarap langhapin ang simoy ng hangin dahil napakapresko nito at malamig rin. Ipinagawa ito ng gobyerno upang makinabangan matostusan ang pangangailangan ng mga magsasaka ng palay upang may makuhanan sila ng patubig sa mga palayan nila. May ibang pakinabang din ito sa ibang mamamayan hindi lang para sa magsasaka katulad nalang ng mga taong naghahanapbuhay ng baboyan kumukuha sila ng tubig sa may sapa na ang tubig na umaagos doon ay galing sa dam, mga palaisdaan, at noong malinis pa at hindi malansa ang tubig ay dito narin sa sapa ang
iba naglalaba, naliligo, at dito rin nagpapaligo sa mga hayop nila. 


Ako, aking pamilya, at kababata sila ang naging parte ng hinding hindi ko na malilimutan na alaala na kasama sila sa Dam, mga oras na kaysarap balikbalikan sa lugar na ito kasama sila. Una alaala nakin at ng aking pamilya dito. Minsan na kaming nanirahan dito dahil noon wala pa kaming lupa at bahay na matirhan sa sentro kung kayat napadpad kami rito dahil may bahay ang kamag-anak namin dito na hindi ginagamit o walang tumitira kaya yon doon kami tumira pansamantala. Bago tayo magpatuloy ipapaliwanag ko muna ang area ng lugar namin so may tatlong bahagi ang STA. ANA, una ang Ubos o BAba sa filipino ito ang una mong madadaanan bago ka makapunta sa Dam, ang ikalawang bahagi ay ang sentro tinawag itong sentro ng STA . ANA dahil majority sa population ay nandirito dito ako nakatira ngayon, at pangatlo ang Dam. So balik tayo.. sa mga araw at oras na nanirahan kami dito ay naging madali naman kahit papaano sa amin dahil masaya, tahimik, walang gulo dahil may disiplina ang mga tao, at nagbibigayan ang mga taong naninirahan dito. Naalala ko pa noon na parati kaming nag-uulam ng isda dahil sa parang araw araw kaming nabibigyan ng isda dahil kapag nagharvest na ang nagmamay-ari ng mga palaisdaan(fishpond) binibigyan kami nito. Pangalawa ay ang alaala nakin dito kasama ang mga kamag-anak ko. Noong time na nagtipontipon kami na magkakamag-anak ay pumunta kami dito upang ipakita rin sa kanila ang Dam at gusto rin nila itong makita para narin maglibang like sightseeing at fishing lang pero nadagdagan ng ligo dahil hindi nila matiis ang tubig ng dam dahil malinis pa ito at hindi malansa noon kung kayat pwede itong liguan kaya sa huli umuwi kaming basa pero worth it naman dahil nagkaroon kami ng bonding na magpipinsan. Pangatlo ay alaala namin ng mga kababata ko dito na pumupunta pa kami dito upang kumuha ng mga prutas na tanim ng pamilya ng kababata ko na nakatira dito at ng araw na rin iyon ay first time kong makasakay ng kawayan na bangka pero tawag nito sa amin ay "gaket" (dili ko sure sa spelling hahaha) halo halo ang nararamdaman ko no'n.. masaya na nakakatakot, at nakakaba pero overall napakaamazing ng alaalang iyon namin. 


Ngayon ang Dam ay pinaganda na dahil pinaglaanan ng mga mamamayan ng Sta. Ana ng oras para mapaganda ito at may mga cottage narin di gaya noon na isa lang. Noon wala masyadong dumadayo dito dahil hindi naman masyadong kilala ang lugar namin lalong lalo na ang Dam, mga iilan lang ang pumupunta dito at ito ay ang mga taong naninirahan kalapit lang sa lugar namin. Ngayon madami ng mga taong nagpupunta dito ng dahil ito sa mga taong nakapunta dito at sinishare nila ang kanilang magandang experience at sinasuggest nila na pumunta dito at isa rin na naktulong sa pagdami ng pumupunta dito ay ang social media like Facebook na isang platform upang makaconnect sa iba. Kaya punta na kayo!. 



No comments:

Post a Comment

Heart of the Valley

Nabunturan is a beautiful town located in the province of Davao de Oro in the Philippines. It is a hidden gem that is often over...