Thursday, June 15, 2023

STA. ANA




Saan ito matatagpuan?. Bakit ito ang pinili ko?. At ano ito?. Ang STA ANA ay Isang lugar specifically a sitio na matatagpuan sa Barangay Libasan. Ang lugar na ito ay.. sabihin nating boundary na ng municipality ng Nabunturan dahil kapaglumagpas ka na sa lugar na ito ang Sta. Ana ay iba na namunicipality ang tinatapakan mo at ito ay ang municipality ng Mawab dahil ang Barangay Libasan ay isa sa 28 na Barangays na nagbubuo ng Nabunturan kung kaya't sakop sya ng municipality ng Nabunturan kung kaya ang kompletong address nito ay Purok 2 Libasan Nabunturan Davao de Oro. 
Sa lugar na ito maraming mga sinaunang kwento at magagandang tanawin dahil ang lugar na ito ay pinapaligiran ng bundok at maraming punong kahoy.

Sta . Ana lugar na dito ako nagkaisip at namulat pero hindi ang lugar kung saan ako ipinanganak so balikan natin ang kwento kung bakit ako napunta dito. Noong unang panahon may isang binibining taga rito at ito ang mama ko namumuhay ng mapayapa pero ang mapayapa niyang buhay ay naistorbo dahil sa ginoo na galing sa Compostela na nadirito upang matrabaho at ang trabaho ay kanal rito at kanal roon para sa daluyan ng tubig na ginawa upang magkaroon ng patubig sa mga palayan na galing sa dam. Fast-forward naging sila tapos nabuntis si mama at napagdesisyonan ni papa doon nalang sa kanyang lugar tumira kaya dinala niya si mama hanggang isinilang na kaming tatlong magkakapatid doon. Ang buhay doon ay napakahirap dahil walang matinong trabaho ang papa ko kaya nagdesisyon si mama na umuwi sa Sta. Ana dahil dito may matinong trabaho na sapat ipangtostos sa pamilya at nakakatulong din ang mga kamag-anak ni mama sa kanya. Unang tapak ko dito sa lugar na to ay isang taong gulang palang ako noon at walang alam sa nangyari kung bakit kami lumipat noon. Nong unang napansin ko dito ay ang kakaunting bahay na gawa sa kahoy at halos mag pare pareho na ang mga disenyo ng mga ito dahil ang bahay nila ay may ikalawang palapag at ang creepy dahil noon hindi pa naman patok ang pagpipintura sa bahay kung kaya't ang dull ng bahay nila tingnan lalong lalo na pag sa may bintana ka tumingin pero overall maganda naman ang bahay ng mga naunang nakatira dito pati na sa lolo ng mama ko. Pangalawa ay ang mga mararami't mayayabong na puno ng kahoy at kawayan. Pangatlo ang simbahan nila, naaamaze ako dito dahil nakatirik ito sa itaas na mala-bundok na bahagi ng area ng lupa nila at may mga nakapalibot pa na mga puno ng kalachuchi, isang malaking puno ng santol, at puno ng balete na kinatatakutan namin noon dahil sabi nila may mga elemento daw diyan sa puno na dapat daw hindi gambalain kaya kapag ako napapadaan sa puno na iyan hindi talaga mapigilan na matakot at mangilabot dahil ang daan at ang puno ay magkalapit lang kaya pagdumaan ako nagsasabi talaga ako ng "Tabi-tabi po!" para daw mapakita ang pagrespeto sa pang-iistorbo natin sa kanila. 
Pang-apat ay ang mga tao dahil napansin ko hindi sila gaanong marami na mamamayan sa sitio , tantsa nakin mas marami pa ang mga bata kumpara sa mga matatanda. Ang panglima ay ang katahimikan masasabi kung katahimikan dahil napakatahimik talaga ng sitio na ito noon ...makakaroon lang ng ingay kapag hapon na dahil sa mga oras na iyan ang parang oras ng laro nila dahil maayos o mabuti pa ang sikat ng araw noon kapaghapon na pero ngayon napakainit masyado. Ang panghuli ay ang ugali nilang isang matulungin at may respeto sa kapwa mo. 

 Kasabay sa pagbabago ng taon ay iyon din ang pagbabago ng ating mga standard ng pamumuhay at paglaki ng population, at ang mga needs natin sa araw araw. Ang STA. ANA ngayon ay naging makulay at maingay na, ang mga lumang bahay ay napalitan na ng moderno kunti nalang ang hindi binago, kunti nalang ang mga puno sa paligid ng mga bahay dahil pinutol na, may mga establishment narin ang ipinatayo rito, at ang simbahan ay mas naging maganda tignan pero iyong puno ng santol at balete ay pinutol dahil sa valid reasons. Pinili ko ito dahil dito sa lugar na ito ang una kung memorable na mga pangyayari sa buhay ko hanggang ngayon walang makakapantay sa memories na naibigay at maibibigay pa sa aking kinalakihang lugar na matagal konang naging tirahan kaya mamimis ko ang kung ano ang STA. ANA noon.

No comments:

Post a Comment

Heart of the Valley

Nabunturan is a beautiful town located in the province of Davao de Oro in the Philippines. It is a hidden gem that is often over...